Biyernes, Agosto 22, 2014

                                 Ang Sinaunang Kabihasnan ng
                                  Asya 
       Ang sinaunang kabihasnan ay ang kauna unahang pang mga kabihasnan o mga sibilisasyon noong unang panahon na naitatag ng mga sinaunang tao.Ang kabihasnan ay masasabi kung ang mga tao ay may alam at mahusay ,nakadepende ito sa gawi ng ng tao.Nasusukat nito ang galing at naaalam ang ibang nakaraan ng kanilang pamumuhay. Nangyayari lamang ito kung ang isang tao ay may maunlad na pamumuhay sa lipunan.Umiiral sa asya kung may relihiyon, mataas na lipunan mataas na kalidad bilang teknolohiya ,mga tungkulin sa lugar o lipunan ,sining at agrikultura.


      Ipinapakita sa larawan ang pagiging malikhain ng mga sinaunang tao sa lahat ng bagay.Gumagawa sila ng paraan upang makagawa ng mga  na kapaki pakinabang .Base ito sa angkop na pamumuhay ng tao sa lipunan .Nagtataglay ang kabihasnan ng ibat ibang katangian upang mabuo ito,kabilang na ang sining .Ang sining sa katangian ng kabihasnan .Dito nababasa kung ano ang ugali ,tradisyon,kakayahan,malawak na imahinasyon ng mga taong naninirahan sa isang lugar .Nakikilala ang isang lugar kung ano nalilikha nito.


         Base sa larawan,ipinapakita rito ang paniniwala ng mga tao sa sinaunang panahon.Base sa sarili kong opinyon,marahil dahil sa mga kastila kaya tayo nagkaroon ng sinaunang paniniwala na magpasahanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin 


         
         Sa aking palagay, matatalino at malilikhain na ang mga asyano sa sinaunang panahon. 








Sabado, Agosto 16, 2014

                     Ang Aking Impresyon sa Digmaan sa 

                                 Gitnang  Silangan 

         Maraming kaganapan o kaguluhan ang nagaganap ngayon sa gitnang silangang asya hindi lamang dito kundi sa iba pang parte ng mundo na nagdudulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan na nakatira sa bansang iyon. Sa aking palagay , dahil ito sa pagaagawan sa teritoryo o lupang tirahan.
        Sa ngayon maraming tao na ang binawian ng buhay dahil  sa hindi pagkakaunawaan ng gobyerno at ng mga rebelde na nagpasimula ng kaguluhan .Ilan lamang sa mga nagkakagulo ngayon ay ang Hilagang bahagi ng Korea na nagpapalitan ng mga pagpapasabog na naging sanhi ng pagkasawi ng maraming buhay,ang iba pang halimbawa ng digmaan ay ang Israel at Gasa na talaga namang maraming napinsala , ilan sa mga kababayan nating pilipino ang inilikas o bumalik na sa ating bansa upang hindi na masaktan o maapektuhan ng karambolang nagaganap sa naturang mga bansa.

             Base sa larawang ito nakakalungkot isipin na ang lahat ng tao sa mundo ay nagpapatayan kahit pare pareho lang tayong nakikinabang sa bigay sa atin ng maykapal.Makikita sa larawan na  nagpapalitan ng bombang pampasabog ang bawat pangkat.


         Makikita sa larawang ito na maraming namamatay dahil sa pagdidigmaan ng bawat bansa.Sa paglipas ng maraming taon ,maraming kaganapan na ang nangyayari  sa gitnang silangang asya na noon pa man ay nakaukit na sa ating kasaysayan na hanggang ngayon ay nanatili pa sa gitnang silangang asya.
     Ngayon sa kasalukuyan , maraming bansa pa ang naggigirian dulot ito ng pag aagawan sa mga teritoryo at iba pang likas na yaman ng bawat bansa gaya ng libya, iraq ,israel at ngayon ay ang hilagang korea  at ang timog bahagi ng korea base sa mga balita nagsimula na ang pag subok sa mga measle o bomba na kanilang ipantatapat sa hilagang korea base ito sa pagkakainggit ng Timog bahagi ng korea dahil raw sa pagtulong ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pamahalaan ng Hilagang korea.







            Maraming ari arian ang napipinsala sa tuwing nagkakaroon ng mga digmaan sa bawat bansa , maraming buhay din  ang nagwawakas dahil sa paggigirian ng bawat bansa.Paano na kaya ang mga susunod pang henerasyon? Mayroon pa bang magandang buhay ang naghihintay sa kanila? Hihintayin pa bang mawala na ang lahat bago masagot ang tanong na ito?


















Sabado, Hulyo 26, 2014

                                     Kasaysayan at Kabihasnan ng 
                                      Asya 
            

Kasaysayan At Kabihasnan ng Asya

 Blog for the month of July

                       KASAYSAYAN AT KABIHASNAN NG                                                                   ASYA                  

                Maraming bansa  ang napapaloob sa kontinenteng asya kaya  naman hinati ito sa limang rehiyon nariyan hilagang asya, kanlurang asya,timog asya ,timog silangang asya,at silangang asya.Binubuo ang asya ng ibat ibang bansa at kabilang na rito ang ating bansa.
          Ang asya ang pinakamalaking kontinente sa ating daigdig. Ang kabuuang sukat nito ay humigit kumulang 44,339,377 kilometro kuwadrado.Isang katlong bahagi ng kabuuang lawak ng daigdig ay nasasakupan ng asya.Ito ay higit na malaki kaysa pinagsamang sukat ng hilagang Amerika at timog Amerika at apat na beses ang laki sa Europa.
             Ang pinakahilagang dulo ay ang Cape Chelyushin sa Rusya
ang pinaka timog na dulo ay Tanyong Plain sa Malaysia;ang pinakasilangang dulo ay ang Cape sa Turkey.Ang pisikal na hugis ng asya ang pinakamagaspang sa lahat ng mga kontinente sa daigdig.Mayroon itong matatayog na bundok , makikipot na look , maluluwang na ilog ,malalamig na lambak ,disyerto,mapupunong libis,malalawak na kakahuyan ,makukulay na lawa  at matataas na nga talon .Dito matatagpuan ang Bundok Everest,ang pinakamataas na bundok sa daigdig .Itoaymay taas na 29,028 talampakan .Ang pinakamababang pook sa rehiyon ay ang Dead Sea na mababa ng 1,300 talampakan mula sa pamantayan ng tubig  sa dagat. 
        Napapaligiran ng mga anyong tubig ang halos lahat ng dako ng asya .Nasa gawing hilaga ang Karagatang Arktiko ,sa silangan ang Karagatang Pasipiko ,sa timog ang Karagatang India , at sa kanluran  ang Dagat na pula (Red Sea) ,Dagat Mediterranean ,Dagat na itim (Black sea) at Caspian Sea.Ang Caspian sea at Bundok Ural ang hangganan ng asya at europa,samantalang ang kanal suez at dagat na pula ang hangganan ng asya at aprika.Ang bahagi ng asya sa gawing timog-silangan ay binubuo ng kawing ng mga pulo at mga at mga pinakatimog na pulo ay malapit sa kontinente ng antartika.
               Ang malaking bahagi ng kinikita ng indonesia sa o pakikipagkalakalan ay mula sa pagluluwas ng langis.Dahil dito ay naapektuhan ang ekonomiya ng bansa noong 1986 nang biglang bumagsak ang halaga ng langis sa mga pamilihan ng mundo.Nang muling tumatag ang halaga nito ay saka lamang nakabawi ang bansa.Ang taunang kita ng indonesia mula sa langis ay humigit-kumulang sa 8 trilyong rupiah.
            Sa malaysia man ay bumaba ang kita ng mga tao noong 1985 hanggang 1986.Ayon sa mga ekonomista,ang muling pagbangon ng kabuhayan ng bansa ay nakasandal sa kung gaano kaganda ang magiging resulta ng pagluluwas ng mga produkto nito dahil matumal ang pag-unlad ng ibang sektor ng ekonomiya.
             Sa pilipinas,ang mga kaguluhang dala ng pagpapalit ng pamahalaan,pati na ang pagtatangka ng mga sundalong maagaw ang kapangyarihang mamahala,ay nakapinsala nang husto sa kabuhayan ng bansa.Ang pangunahing itinitinda ng pilipinas ay mga kabibe,perlas,bigas,tabako,pinya,at mgaing mga tela.
              Sa kasalukuyan ay malaking suliranin ng mga bansang asyano (maliban sa hapon na higit nang maunlad) ay ang mga itinatayo ng mga bansa lalo na ng amerika ,upang mahirapang makapasok  ang mga produktong gawa sa asya sa kanila . dahil dito,halos lahat ng mga  bansang Asyano ay mas maraming bibibili kaysa naipagbibili sa mga bansang kanluranin. 
                Ang kontinente ng asya ay may mga malalaking ilog na nagsisilbing daanan ng kalakalan,komunikasyon at transportasyon. Tatlo sa mga ilog na ito ay may dumadaloy patungo sa dagat india (indian ocean).Ang mga ito ay mga ilog indus,ilog ganges,at mga ilog brahmaphutra.Ang ilog mekong naman ay dumadaloy sa tatlong malalaking rice bowl ng asya (burma,thailand,at vietnam) at humahantong sa south china sea.
             Ang mga ilog Amur ,Huang Ho,Yangtze at Sikiang ay umaagos sa direksyon ng karagatang pasipiko .Ang kambal na ilog  sa Gitnang Silangan ,ang makasaysayang Tigris-Euphrates ,ay dumadaloy sa Golpo ng Persia .Ang iba pang mga ilog ay Brahmaputra,Irrawaddy ,Lena,Menam ,OB,Salween at Yanissey. Ang  malalawak na disyerto ay ang Gobi ,Kara Kum ,Kyzyl Kum at Kub al Khali.

            Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo . Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman banda ang Aprika.

            Ang  asya ay mayaman sa mga yamang tubig gaya ng kabibe ,perlas ,isda ,at  kung anu ano pang likas na yaman na kailangang ginagamit bilang pamalit kalakal.Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang karagatang indian ,Dagat Timog Asya(ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang pasipiko at karagatang arktiko.Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

            Ang Asya ay kung saan nagmula ang Budismo, Hinduismo at iba pang Indiyanong at Tsinong relihiyon. Ito rin kung saan nagsimula ang relihiyong Hudaismo , Kristiyanismo, Islam at iba't ibang Abramikong paniniwala.

           Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-gala, at mula sa central steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng kontinente, na sinasakop ng Siberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil sa mga makakapal na kagubatan at tundra. Ang mga lugar sa Siberia ay bihira panirahan ng tao.

           Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto. Ang Caucasus, Himalayas, Disyerto ng Karakum, at Disyerto ng Gobi ay bumuo ng mga hadlang para mahirapang makatawid ang mga mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng teknolohiya at kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti lamang ang magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga pagala-gala. Gayunman, ang mga mabababang lugar ay hindi magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang isang malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop sa Tsina, India, at Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na lipunan.

                Ang Medyebal Asya ay ang kaharian ng mga Khan. Si Genghis Khan ay kumontrol sa maraming lupain. Nabuo niya ang kanyang kapangyarihan sa pagsasanib ng mga hiwalay na mga tribung Monggol bago palawakin ang kanyang kaharian sa timog at kanluran. Siya at ang kanyang apong lalaki, si Kublai Khan, ay kinokontrol ang mga lupain sa China, Burma, Gitnang Asya, Rusya, Iran, Gitnang Silangan, at Silangang Europa. Mga pagtaya na ang sandatahang Monggol ay bumawas ang populasyon ng China sa pamamagitan ng halos isang katlo. Pagano si Genghis Khan. Ang kanilang kultura madalas nagdusa sa napakarahas na paggamot mula sa sandatahang Monggol. Ang sandatahang Khan ay humunhon bilang malayong kanluran bilang Jerusalem bago bumagsak noong 1260.

             Ang Panahong Gitna ay isang hindi maunahang panahon para sa mga Intsik sa seramika at pagpipinta. Ang mga obra maestrang arkitekturang Medyebal tulad ng Angkor Wat sa Cambodia, ang Great South Gate sa Todaiji, Hapon, at ang Tien-Ning Templo sa Peyping, Tsina ang ilan sa mga tulong ng ibang konstruksyon mula sa panahon na ito.

                Ang Kamatayang Itim, kung saan ay wawasak sa Kanlurang Europa ay nagsimula sa Asya, kung saan ito umubos malaking populasyon sa Tsina noong 1331. Ang Tsina ay lumaganap muli noong huling mga taon ng medyebal panahon sa panahon ng pagsikat ng Dinastiyang Ming. Sa bansang Hapon ang mga ito ay nakita noong Gitnang Panahon ang isang pagbabalik sa tradisyunal na pananampalatayang Shinto at ang patuloy na pagiging popular ng Budismong Zen.

              Nakatulong ang sinaunang kabihasnan sa paghubog at pag-unlad ngpagkakakilanlang Asyano sa pamamagitan ng kanilang iba't ibang kultura atrelihiyon na sumasalamin sa kanilang pagiging malikhain at sa kanilangpagsamba sa iba't ibang diyos.Sa pamamagitan ng kanilang mga iba't ibang pananaw nanakaimpluwensya sa mga Asyano. Gaya na lang ng kanilang mga pamanana hanggang ngayon ay nakaiimpluwensya sa mga Asyano. Ang EbolusyongBiyolohikal, ipinaliwanag dito na ang tao ay nagmula sa unggoy na pilit napinatunayan ni Charles Darwin.Nakatulong din sa pag-unlad ang mga pagpapaliwanag sa iba't ibangsistema ng iba't ibang kabihasnan gaya ng Kabihasnang Sumer, Indus atShang. Kaya masasabing nakatulong nga ang sinaunang kabihasnan sapaghubog at pag-unlad ng pagkakakilanlang Asyano.